Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang padre de pamilya ang anak niyang lalaki makaraang pagdudahan niya na may romantikong relasyon ito sa sariling ina, sa Alilem, Ilocos Sur, iniulat kahapon.

Selos umano ang dahilan kaya pinagtataga ni Rolando Lausan ang anak niyang si Roldan Lausan, 21, sa kanilang bahay sa Barangay Apang sa Alilem.

Ayon kay Senior Insp. Joel Lagto, hepe ng Alilem Municipal Police, matagal nang nagseselos si Rolando sa pagiging sobrang malapit ng anak sa ina nito kaya naman naghinala siyang may romantikong relasyon ang mag-ina.

Nabatid na kapwa nakainom ang mag-ama nang magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pananaga ng suspek sa sarili niyang anak.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagtamo ng mga taga sa ulo, leeg, at sa iba pang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Tumakas ang suspek at pinaghahanap na ngayon ng pulisya. (FER TABOY)