coleen copy

TSUGI na nga ba si Coleen Garcia sa It’s Showtime?

Naitanong namin ito dahil ilang araw na siyang hindi nagre-report sa nasabing programa simula nu’ng dumating sila ng boyfriend niyang Billy Crawford galing sa bakasyon nila sa South Africa.

May nagtsika sa amin na tuluyan nang tinanggal ang TV host/actress sa Showtime at maraming dahilan na ikinagulat namin.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

“Una, hindi siya pinayagang umalis para magbakasyon kasi matagal ‘yung hinihingi niya, eh, hindi naman puwedeng wala siya sa show kasi siyempre, December ‘yun, maraming mangyayari, but still, tumuloy siya,” simula ng detalyadong kuwento ng taong may alam ng pagkawala ni Coleen sa programa.

“Pangalawa, instead na i-cut short niya ang trip niya, sumobra pa ng one week, so, siyempre nagalit na sa kanya.

“Pangatlo, parang may rift sila ni Anne (Curtis), I heard her (Coleen) saying na ‘ayaw ko na.’

“Pang-apat, may nagsabing pasaway daw siya, well, maraming nagsabi actually.”

Ang sinasabing rift nila ni Anne, noon pa namin naririnig dahil itong si Coleen ay may sariling mundo; nasa isang sulok lang ng dressing room at hindi namamansin sa mga kasama o ni mag-good morning man lang sa co-hosts gayong halos lahat ay nagbabatian kapag nagdadatingan.

Natatandan pa namin na may insidente na talagang tinapatan yata siya ni Anne at sinabihang, ‘hello, goodmorning!’ at saka lang bumati si Coleen.

Pero ang alam namin ay naayos na iyon, dahil nag-usap-usap sila, pero ano’ng nangyari?

Sinabi ng source na pasaway o hindi nakiki-cooperate kaya sakit din ng ulo si Coleen sa taping ng Pasion de Amor.

Nagulat na naman kami sa tsikang ito dahil ang alam namin ay okay ang tapings ng Pasion de Amor kaya nga ilang beses itong na-extend. At kilala namin si Direk Ruel S. Bayani na kapag may sakit ng ulo sa shows niya, talagang tumatalak siya at wala naman kaming naririnig tungkol kay Coleen.

“Sakit talaga siya ng ulo, mabuti na lang at patapos na, pero nitong huling mga araw ay bait-baitan daw si Coleen, eh, too late na,” kuwento pa ng source sa amin.

Hala, ano ang nangyayari kay Coleen? Kung kailan naman bini-build-up siya dahil maganda ang resulta ng pelikulang Ex With Benefits nila ni Derek Ramsay ay heto at bigla siyang nagluluka-lukahan?

Anong mangyayari sa career niya ngayon, Bossing DMB?

Nakakapanghihinayang dahil alam naming gustung-gusto ni Coleen na mag-level-up ang career niya ‘tapos hahayaan niyang basta na lang siya masisira ng ganito?

(Editor’s note: Bukas ang pahinang ito para sa side o comment ni Coleen at maging sa It’s Showtime management at sa Pasion de Amor production unit.) (REGGEE BONOAN)