VILMA AT ANGEL copy copy

SA Sunday na ang presscon ng Star Cinema movie na Everything About Her, dadalo si Angel Locsin, matatanong sa kanya nang personal ang second medical procedure na gagawin sa kanya para magamot ang sinasabing “bulging disc in her spine.”

Ang diperensya sa spine ang rason kaya nag-pullout si Angel sa Darna, pero ayaw pumayag ang kanyang fans na hindi na siya ang lilipad at gaganap na Darna. Patuloy ang kanilang request sa Star Cinema at kay Direk Erik Matti na hintaying gumaling si Angel at sa kanya pa rin ibigay ang project.

Sa February naka-schedule bumalik sa Singapore si Angel for the same treatment na ginawa sa kanya noong December 2015.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“It’s an innovative treatment na dalawang doktor lang ang gumagawa sa buong mundo. It’s laser na may sampung injections sa spine, nerves and sa disc ko. Ang sama daw talaga ng pagka-damage. Sabi nga ni Doc, baka daw hindi ko magamit ‘yung legs ko kung hindi ko pa ‘pinunta doon. Kaya lang, may nakita kasing bago, sa February lilipad ulit.

Gagawin ulit ‘yung same procedure,” sabi ni Angel sa isang interview.

Nasa bansa pa si Angel sa showing sa January 27 ng Everything About Her sa direction ni Bb. Joyce Bernal.

Ginagampanan niya ang role ni Jaica, ang nurse na tinataray-tarayan ni Vilma at minamaliit ang pagiging nurse.

Sa napanood naming trailer ng movie, ang ganda ng mga eksena nina Vilma at Angel at wagas kung kawawain ni Vilma ang future daughter-in-law niya. Pinaka-favorite scene namin ‘yung sumuka si Vilma sa Hermes bag na ipinansalo ni Angel at pinagsabihan siya ni Vilma na next time, ang kanyang Balenciaga bag naman ang isahod ‘pag nasuka uli siya.

(NITZ MIRALLES)