AMADEO, Cavite – Labinglimang katao ang nasugatan nang aksidenteng sumalpok sa poste ng kuryente ang van na kanilang sinasakyan sa C.M. de los Reyes Avenue sa Barangay Poblacion IV sa bayang ito, nitong Martes ng hapon, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report ni PO2 Kithy Boy Javier Costelo, lulan ang 15 biktima sa Kia Pregio van (XKB-287) na minamaneho ni Ernesto Delamasa Astudillo, 61, ng General Trias City.

Nasugatan sina Adelita Caper Caparas, Erick Recuenco Puyo, kapwa taga-Taal, Batangas; Dina Martinez Obra, Aileen De Guzman Francisco, at John Mark Alumno Cruzado, pawang ng Dasmariñas; Michael Guarin Encarnacion, ng Agoncillo, Batangas; Aloha Manahan Candelaria, ng Noveleta; Leticia Mojica Deronia, ng Amadeo; Elmer Villalobos Dimailig, at Sheryl De Leon Ulvas, ng Lemery; Marcidinia Madla, at Federico Cotoner Legarte, ng Alfonso; Aileen Capili Cadang, ng Sta. Rita; Kriza Joyce Mendoza Villamor, ng Batangas; at Princess Genil Magpili, ng Cuenca, Batangas. (Anthony Giron)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?