PADRE GARCIA, Batangas - Inaresto ng awtoridad ang isang mag-asawa matapos umanong ikulong ng mga ito sa isang van ang tatlong magsasaka sa Padre Garcia, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na si Paciano Perido Jr., 42; at asawang si Helda Obsequio, 38, taga-Barangay Quilib sa naturang bayan.

Nailigtas naman ang mga biktimang sina Darry Manolong, 43; Florante Sarona, 37; at Gregorio Casepong, 25 anyos.

Ayon sa report ni SPO2 Warren Atienza, dakong 9:00 ng umaga nitong Lunes nang isakay ng mga suspek ang mga biktima sa isang Mitsubishi Canter Van (DRF-777) sa Bgy. San Miguel.

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

Nagawa umanong makatawag ni Manolong sa isang kaanak kaya sila nailigtas.

Away sa negosyo at pagkuha ng mga tauhan ang sinasabing motibo sa insidente, ayon sa pulisya. (Lyka Manalo)