Mahigit 40 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa isang residential area sa Parañaque City nitong Lunes ng gabi.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa barangay hall ng Sun Valley at nananawagan ngayon ng ayuda sa kinauukulan.

Sa ulat ng Parañaque Fire Department, dakong 10:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang “Lydia Escare” na ginagamit bilang gadgets repair shop sa Culsidac Compound sa Barangay Sun Valley.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay, na pawang yari sa kahoy.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Agad namang rumesponde ang mga bombero sa lugar at naapula ang sunog dakong 12:00 ng hatingggabi.

Walang napaulat na nasaktan o namatay sa sunog, ngunit natupok ang 20 bahay at ang tinatayang P100,000 halaga ng ari-arian.

Sinisiyasat ng awtoridad ang sanhi ng sunog. (Bella Gamotea)