MEXICO CITY (AP) – Nagkaroon ng sorpresang Hollywood twist ang muling pagkakadakip sa drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman nang sabihin ng isang Mexican official na natukoy ng security forces ang kinaroroonan ng pangunahing drug trafficker sa mundo sa sekretong panayam dito ng American actor na si Sean Penn.

Ang panayam ni Penn kay Guzman, na dalawang beses nang tumakas mula sa Mexican maximum security prisons, ay lumabas nitong Sabado ng gabi sa website ng Rolling Stone magazine. Ginawa ito sa isang hindi tinukoy na hideout sa Mexico noong huling bahagi ng 2015, ilang buwan bago muling nadakip si Guzman nitong Biyernes sa Los Mochis, Sinaloa, anim na buwan ang nakalipas makaraan siyang pumuga.

Sa nasabing panayam, ipinagtanggol ni Guzman ang kanyang gawain bilang pinuno ng pinakamalaking drug trafficking organization sa mundo at sinabing hindi siya ang dapat sisihin sa pagdami ng gumagamit ng ilegal na droga.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo