Hindi makikinig si Pangulong Benigno Aquino III sa mga panawagan ni Sen. Grace Poe na sibakin si Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya.

“Binabase yata ‘yung call for his resignation dahil nawalan tayo ng maintenance provider,” ani Aquino.

“Secretary Abaya insists there was never a moment that MRT 3 did not have a maintenance provider,” dagdag niya.

Sinabi ng Pangulo na kalalagda lamang ng DoTC ng kontrata sa Busan Transport Corp. para sa tatlong taong maintenance ng MRT.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“There is a current maintenance provider who accepted a one-month extension. After the one-month extension, Busan will take over the maintenance aspect completely,” paliwanag niya.

Nanawagan si Poe kay Aquino na kaagad alisin si Abaya sa puwesto dahil sa “incompetence and shortsightedness” nito na naglalagay sa panganib sa “safety of the riding public,” binanggit ang madalas na aberya sa Metro Rail Transit (MRT). (MADEL SABATER-NAMIT)