Cristy Fermin copy

MAGKAKAROON na pala ng bagong talk show ang TV5 na kung hindi mababago ang plano ay sina ‘Nay Cristy Fermin, Phoemela Barranda at John ‘Sweet’ Lapus ang magiging hosts.

Yes, Bossing DMB pagkalipas ng ilang taon na walang showbiz talk show ang TV5 ay magkakaroon na uli finally, at ayon sa source namin ay ang Viva ang hahawak ng project -- tulad ng Bakit Manipis Ang Ulap at Born To Be A Star na malapit nang umere.

Hindi pa naibubulong ng source sa amin kung ano ang titulo ng bagong talk show dahil pinag-uusapan pa raw pero sigurado na ang hosts.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Dagdag pa, target ng Viva ang panghapong timeslot na kinaugalian nang abangan ng lahat ang The Buzz at Startalk.

Ibabalik pala ng TV5 ang maiinit na tsikahan sa tuwing Linggo ng hapon.

Exciting ang Bagong Taon sa TV5, ha? (Reggee Bonoan)