DUBAI (Reuters) – Pinasinayaan ng Iran ang isang bagong underground missile depot noong Martes, ipinakita ng state television ang Emad na nakaimbak na mga precision-guided missile na ayon sa United States ay kayang magdala ng nuclear warhead at lumalabag sa 2010 resolution ng U.N. Security Council.

Ang suwail na hakbang upang isapubliko ang missile program ng Iran ay tiyak na ikagagalit ng United States na naghahanda na sanang alisin ang halos lahat ng sanction nito sa Iran sa ilalim ng isang breakthrough nuclear agreement.

Sinabi ng Tasnim news agency at ng state television video na ang underground facility, matatagpuan sa kabundukan at pinatatakbo ng Revolutionary Guards ng Iran, ay ininagurahan ng speaker of parliament na si Ali Larijani. Ang paglabas ng isang minutong video ay kasunod ng footage ng isang underground missile depot noong Oktubre.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture