Patay ang isang call center agent na tumalon mula sa ika-10 palapag ng pinagtatrabahuang gusali sa Makati City noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Makati Police Chief, Senior Supt. Ernesto Barlam ang biktimang si Wilson Binauhan, 27, may asawa, call center agent ng SYKES Marketing Incorporated sa Glorietta 1, Ayala Center ng nasabing lungsod, at residente ng No. 226 Calumpang Cerca, Indang, Cavite.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Jason David ng Homicide Section ng Makati Police, dakong 1:20 ng madaling araw nang madiskubre ng kanyang mga kasamahan ang bangkay ng biktima sa roof deck sa ikaapat na palapag ng Glorietta 1.

Galing umano ang biktima sa non-smoking balcony, pantry area sa 10th floor ng gusali kung saan mula dito ay hinihinalang tumalon siya.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Duda ng mga awtoridad, nagpakamatay ang biktima dahil sa problema. (Bella Gamotea)