Mananatiling P4,500 ang matatanggap na honorarium ng mga public school teacher na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) sa eleksiyon sa Mayo 9, na gaya rin ng natanggap nilang honorarium sa 2013 midterm polls.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng mga guro na taasan ang kanilang matatanggap na allowance para sa gagawin nilang pagsisilbi sa halalan.

Batay sa Resolution No. 10031, sinabi ng Comelec na lahat ng BEI chairperson at mga miyembro nito ay tatanggap ng P1,000 kada araw, sa loob ng tatlong araw na pagsisilbi sa eleksiyon o kabuuang P3,000.

Bawat guro ay tatanggap naman ng karagdagang P500 kung lalahok ang mga ito sa beripikasyon at sealing ng Book of Voters, P500 para sa final testing at sealing ng vote counting machines, at P500 na transportation allowance.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa panahon ng halalan, ang mga miyembro ng BEI ang mangangasiwa sa botohan at magbibilang ng boto.

Sinimulan na kahapon ng city at municipal election officers (EOs) ang pagbuo ng mga miyembro ng BEI para sa bawat clustered polling precinct.

May hanggang Enero 15 ang mga EO para pumili ng mga magiging miyembro ng BEI mula sa listahan ng mga public school teachers na manggagaling sa Department of Education (DepEd). (Mary Ann Santiago)