521786157IA003_Alexander_Wa

LOS ANGELES (AFP) – Muling iniimbestigahan ng pulisya ang American R&B singer na si Chris Brown, na hinatulan sa pambubugbog noong 2009 sa kanyang noon ay nobyang si Rihanna, dahil sa umano’y panununtok.

Iniulat ng celebrity website na TMZ na sinabi ng babaeng umano’y biktima na sinuntok siya ni Chris sa mukha sa isang pribadong party sa suite ng singer sa isang hotel sa Las Vegas nitong Sabado matapos niyang kunan ng litrato ang binata.

Ayon sa ulat ng TMZ, sinabi ng isang kinatawan ni Chris na ang mga akusasyon ay “undeniably untrue.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nag-iimbestiga na ang pulisya sa alegasyon, iniulat sa TMZ at sa iba pang US media.

Wala pang reaksiyon si Chris sa ulat na ito.

Hunyo 2009 nang aminin ni Chris ang pananakit kay Rihanna, na nagtamo ng facial injuries at napilitang kanselahin ang pagtatanghal niya sa Grammy Awards ng taong iyon.

Hinatulan si Chris ng limang taong probation, isinailalim sa isang-taong domestic violence program, at sinentensiyahan ng 180 araw na community labor.