Hangad ng pamunuan ng Philippine Super Liga (PSL) na maipatupad ang limang punto ng pagbabago sa pagsasagawa nito ng plano para sa taong 2016.

Ito ang inihayag ni PSL President Ramon “Tats” Suzara at Chairman Philip Ella Juico sa isinagawa nitong masayang pagsasalu-salo sa buong pamilya ng natatanging club league sa bansa sa Picnic Grove sa Tagaytay City.

Ang hangarin ng PSL ay maipakilala sa volleyball bilang (1) family sports entertainment, (2), continue to innovate in terms of uniform, refereeing, branding etc. (3) more participation of PSL in international club competitions, (4) PSL will set as an example to unite all leagues and stakeholders in order to have a direction for the development of volleyball at (5) provide opportunities to coaches, players and media in terms of international standards of the sport.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We want the PSL now to play now and be part of this important endeavor. Nais nga natin sana na magsasagawa ng isang malaking fans day para sa gagawin nating na invitationals and then plan to have family day for the coaches and players and their families,” sabi pa ni Suzara.

Hangad din ng PSL matapos ang matagumpay na taon ay ang pagsasagawa ng mas malalaking inobasyon at dagdag na atraksiyon maliban sa pagsasagawa ng wholesome family entertainment sa pagtuntong nito sa ikaapat na taon.

“Gusto kasi ng FIVB na ilapit sa masa ang volleyball and that is what we are aming now,” sabi pa ni Suzara kung saan ang natatanging inter-club women’s volleyball league ay nakatuon muli sa paglampas pa sa nakamit nitong pagbabago sa 2015 sa pagpapakilala nito sa video challenge system.

Ginagamit sa malalaking torneo sa buong mundo, ang video challenge system ang makabagong teknolohiya na nagbibigay sa mga coaches ng tsansa na rebisahin ang isang tawag ng referee gamit ang 25 high-definition cameras na nakalagay sa istratehiyong puwesto.

Ang PSL ang unang club league sa Asia na ginamit ang P3-milyong halaga ng aparato.

Maliban sa video challenge system, ang PSL din ang gumamit sa skort uniform sa isang opisyal na laban. Ang skort ay kumbinasyon ng shorts at skirt na ginagamit naman sa top flight na liga sa Europe.

Hangad din ng PSL na magkaisa ang lahat ng mga volleyball stakeholders sa bansa at pangunahan ang pagpadala ng mas maraming koponan sa iba’t-ibang torneo sa labas ng bansa sa tulong na rin ng national federation na Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. para sa pagpapalawak at pagdedebelop sa sport.

Tampok din sa plano ang pagbibigay ng oportunidad sa coaches, players, game officials at maging sa media para maabot ang international standards sa disiplina.

“In fact, our country sent two representatives to the inaugural AVC Press Seminar in Bangkok two weeks ago,” sabi pa ni Suzara, na kasamang naggabay sa direksiyon ng liga sa susunod na taon kasama si Juico. “It was a major boost to the development of volleyball in the country and we are looking forward to conducting the AVC Press Seminar here in Manila next year.” (Angie Oredo)