HINDI na tuluyang naitago ni Kris Aquino kung saang bansa sila nagbakasyon nina Josh at Bimby kasama ang isang yaya dahil may mga taga-Hawaii nang nakakita sa kanila at nag-post sa social media na naroroon sila. 

Nag-post siya habang nagsisimba, naggo-grocery, at namamasyal sa Honolulu. Nag-post din ang TV host/actress ng photos habang personal niyang inaasikaso ang mga anak. Maaga siyang gumigising para ipagluto ng almusal ang mga ito.

May netizens na tumawag sa kanya ng “good mom” at “super mom”.

Bukod sa pagiging super mom, hindi nakakalimutan ni Kris na i-check ang social media para updated pa rin siya sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa showbiz.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Pinag-aaralan niya kung paano gumawa ng album sa Facebook.

Aniya, “@withlovekrisaquino My website, my Instagram account, and my public Facebook page. I am still learning how to create albums (shared our pictures from today on FB, so please check them out, in time i will be more creative, w/ a lot of help from @cornerstone_ig - they will now help me manage all my digital/social media activities) for Facebook & eventually videos for my own YouTube channel, PLUS I’m working on weekly blog posts for my website.#2016growthgoals #NeverStopLearning ️ Good Night. 

2 Peter 3: 18 But grow in the grace and knowledge of our Lord and Saviour Jesus Christ. To Him be glory both now and for ever! Amen.”

To date, nanatiling nasa panglimang puwesto ang All You Need is Pag-ibig na base sa feedback na naririnig namin ay maayos naman daw ang istorya maski gahol na sa oras si Direk Antoinette Jadaone na bubuin ang pelikula dahil nga ilang beses itong na-pack-up.

Bukod dito ay gustung-gusto ng mga nakapanood ng ng naturang pelikula ang ang Coron, Palawan scene dahil napakaganda naman talaga. Nagugustuhan din ang love story ng characters nina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria. Para naman sa amin, markado ang mga eksena ni Ms. Nova Villa na ginaya si Rose sa pelikulang Titanic dahil nga inaakit niya ang asawang si Ronaldo Valdez na feeling niya ay nanghihinawa na sa matagal na nilang pagsasama. (REGGEE BONOAN)