NAGWAWALA ang fans ni John Lloyd Cruz at lahat ng mga taong nakapanood na ng Honor Thy Father sa desisyon ng Metro Manila Film Festival executive committee na hindi ito isali sa Best Picture category sa MMFF awards night na ang ginamit na dahilan ay naipalabas na raw ito kamakailan sa Cinema One Originals at nagkaroon pa ng international screening sa Toronto International Film Festival noong nakaraang Setyembre.

Humihingi ng paliwanag ang isa sa producers ng Reality Films na si Dondon Monteverde kay Mr. Jesse M. Ejercito, executive committee ng MMDA gayong sinunod naman daw lahat nila ang requirements ng MMFF.

Maging ang head ng Cinema One Originals na si Mr. Ronald Arguelles ay nagpaliwanag na ang ginanap na screening ng Honor Thy Father sa Trinoma Cinema noong Nobyembre 8 ay by invitation lang para sa opening ng Cinema One Originals Film Festival 2015.

As of press time, wala pang inilalabas na sagot ang MMFF sa isyung ito. Usapan naman ng ilang showbiz colleague ay malakas daw kasi ang laban ng Honor Thy Father sa pagka-Best Picture kaya siguro hindi ito isinama at baka may ibang pinapaboran ang ilang miyembro ng komite ehekutibo.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Nabanggit pa na nagpapakontrobersyal daw ngayon ang MMFF para umingay sila dahil hanggang ngayon ang alam ng ibang tao ay si Chairman Francis Tolentino pa rin ang namamahala at hindi kilala ang pumalit sa kanya. Actually, hindi nga rin alam ng movie industry kung sino na ang kapalit. Dagdag pang narinig naming tsikahan ng mga katoto, “nu’ng unang araw, swapping of tickets ang isyu na kinorek din nila, ‘tapos ngayon itong kay Lloydie movie, ano kaya pangatlo, kasi it comes in three, ‘di ba?”

Napanood na namin ang Honor Thy Father at malakas talaga ang laban nito sa Best Picture category—kung hindi lang initsa-puwera sa MMFF awards night.

Kapag ang napiling best picture ay hindi karapat-dapat, sisiguraduhin namin na kami ang unang pupuna since napanood na namin lahat ang walong entry sa MMFF. REGGEE BONOAN)