Ni ROMMEL P. TABBAD

Nagbuga na naman ng abo ang Kanlaon Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Paliwanag ni Kanlaon Observatory resident volcanologist Jay Jamello ng Phivolcs, nagpakawala ng abo ang bulkan kasabay ng malakas na dagundong nito.

Sinabi ni Jamello na walang visual observation kahapon dahil sa makapal na ulap malapit sa crater ng bulkan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, nakapagtala ang Phivolcs ng pagyanig sa palibot ng bulkan.

Nagkaroon din, aniya, ng ashfall sa kalapit na mga barangay sa La Carlota City at ilang barangay sa bayan ng La Castellana sa Negros Occidental.

Nakalanghap din, aniya, ang mga residente ng sulfuric fumes.

Hindi pa matiyak ng Phivolcs kung hanggang kailan ang nararanasang volcanic activity nito kung kaya’t nananantili pa rin ang alert level 1 status na ngangahulugang ipinagbabawal pa rin sa mga turista at residente na makalapit sa 4-km. permanent danger zone.