Itinakda sa ika-7 ng Pebrero ang Condura Skyway Marathon 2016 Run For a Hero na isa sa pinakaaabangang marathon sa bansa.

Sa mga nakaraang patakbo ng Condura ay tumulong ito para sa rehabilitasyon at proteksyon ng Tubbataha Reefs, whale sharks, dolphins; at mga bakawan (mangroves).

Sa ikalawang sunod na taon ngayon, ang pondong malilikom ng Condura Run ay mapupunta sa Hero Foundation para sa kapakanan ng mga anak ng sundalong “Killed in Action” (KIA) o ng mga sundalong nagtamo ng kapansanan “in the line of duty.” Ang karera ito ay inorganisa ng Runrio Inc.

Ang registration ay isasagawa online sa conduramarathon.com at maaaring bayaran sa pamamagitan ng credit card o prepaid cards na mabibili sa piling ASICS stores.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang credit card registration ay hanggang Enero 2, 2016 lamang. Maaaring mamili ang mga lalahok kung saan nila gustong ma-pick up ang kanilang race kits sa mga ASICS store mula January 18 hanggang 23, 2016.

Mabibili ang mga prepaid cards sa mga sumusunod na Asics store branches: Greenbelt 3 sa Makati City, Bonifacio High Street sa Taguig City, Trinoma Mall sa Quezon City; Centrio Mall sa Cagayan de Oro City; Ayala Fairveiw Terraces sa Quezon City, at Ayala Center sa Cebu City.

Ang entry fee ay P900 para sa 6K race, P1,000 para sa 10K, P1,700 para sa 21K at P2,000 para sa 42K full marathon.

Ang lahat ng runner na makapagtapos ay tatanggap ng finisher’s medal habang ang mga finishers sa 42K at 21K ay makakakuha rin ng special finisher’s shirt. Para sa kumpletong detalye, bumisita sa www.conduramarathon.com.

(Angie Oredo)