Nagpayahag ng pagdududa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sinseridad ng mga rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kanilang idineklarang ceasefire na nagsimula kahapon at magtatagal hanggang sa Enero 3, 2016.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Noel Detoyato, na batay sa kanilang karanasan nitong mga nakalipas na taon, hindi tinutupad ng NPA ang kanilang ipinapangakong tigil-putukan sa holiday season.

Paliwanag ni Detoyato, hindi kasi makontrol ng liderato ng CPP-NPA ang kanilang mga tauhan sa ground at hindi namo-monitor ng nasa itaas ang agenda ng mga ito.

Inihalimbawa niya ang ginawang pananambang ng mga NPA sa convoy ng militar na magbigay ng relief goods sa mga sinalanta ng bagyong ‘Nona’ sa Northern Samar, ilang oras bago ang holiday truce na idineklara mismo ng NPA.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa kabila nito, tiniyak ng AFP na susundin nila ang kanilang idineklarang unilateral ceasefire laban sa NPA.

Subalit, magpapatuloy ang kanilang opensiba sa mga bandidong Abu Sayyaf at iba pang bantang grupo sa Mindanao.

(Fer Taboy)