Disyembre 23, 1968 nang palayain ng North Korea ang kapitan at mga crew ng intelligence gathering ship na USS Pueblo, matapos bihagin ang mga ito nang 11 taon. Ang barko, na nagkunwaring isang scientific vessel, ay naglalakbay sa pagtatangkang mag-decode ng mga mensahe na ipinadala ng North Korean military.
Enero 23 ng nasabing taon nang hinuli ng North Korean warships ang barko at ang 83-man crew habang naglalayag sa karagatan ng bansang komunista, isang insidente na hindi inaasahan ng United States (US).
Isa na ngayong tourist attraction ang USS Pueblo sa isang ilog sa kabisera ng North Korea, ang Pyongyang. Sinabihan ng mga tour guide ang kanilang mga bisita na ang Korean People’s Army “bravely thwarted the American imperialists” nang mga panahong iyon.