anjos_JPEG copy copy

Nagpahayag ng klaradong mensahe si UFC lightweight champion Rafael Dos Anjos kay featherweight king Conor McGregor makaraang matagumpay nitong madepensahan ang kanyang titulo sa UFC sa Orlando noong na Linggo.

“This is my division,” ang banggit ni dos Anjos.

Ang reaksiyon ni Dos Anjos ay init at katumpakan noong hayaan nitong maging masaya ang kalabang si Anthony Pettis noong Marso, at kinakailangan lamang nito ng 66-segundo upang patigilin si Donald Cerrone sa main event, na nagpanatili ng kanyang titulo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ito ay isa na namang impresibong performance para kay Dos Anjos, na ngayon ay nanalo ng limang mgkakasunod na laban at 10 sa kanyang 11 matches. Matapos agad niyang binalingan ng atensiyon si McGregor, na ilang linggo pa lamang mula nang tanggalan nito ng korona ang kababayan ni Dos Anjos na si Jose Aldo, bilang hari sa featherweight division.

“Hey, Mr. McGregor, if you want to come to the lightweight division – this is my division,” ang pagdeklara nito.

“It’s better to stay in featherweight.”

Magugunitang nagpakita ng interes si McGregor na umakyat ng lebel at hamunin ang asam na lightweight belt, na layuning hawakan ang dalawang kampeonato sa parehong panahon. Klaradong ipinabatid ni dos Anjos kay McGregor na lalaban niya ito sa anumang oras at saan mang lugar.

Subalit, binanggit ni Dos Anjos na mas makabubuti kay Irishman McGregor na humimpil ito sa sarili niyang linya.

“Conor McGregor has said he wants to come to my division, and I think it will not be a smart decision for him,” ang sabi ni dos Anjos.

“But if he wants to come, I have to overcome him,” dagdag pa nito. “He’s a featherweight, and I’m a lightweight. But he’s saying he wants to come to the lightweight division. If he comes, I will be here.” (Abs-Cbn Sports)