Warriors_JPEG copy

Umiskor si Stephen Curry ng 26-puntos habang pinamunuan ni Draymond Green ang matinding pag-atake sa ikaapat na yugto upang tulungan ang Golden State Warriors na makapaghigante sa pagpapalasap ng kabiguan sa Milwaukee Bucks, 121-112, Biyernes ng gabi.

Anim na gabi matapos na matikman sa Warriors ang kanilang tanging kabiguan sa season at tapusin ang 28-larong diretsong panalo simula pa sa regular-season noong nakaraang taon, halos naipalasap din ng Bucks ang unang talong Golden State sa kanilang homecourt sapul noong Enero 27 kontra Chicago.

Natapos ang laban sa mainit na pagpapalitan ng salita nina Green at O.J. Mayo habang papalabas ng court ang dalawang koponan. Agad na pumagitna ang mga security at ilang player sa kaganapan bago tuluyang nakalma at nagsipasok ang mga koponan sa kanilang mga locker room.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi naging madali para sa Golden State Warriors ang laban kung saan naghabol ito sa pinamalaking 15-puntos para sa ikatlong yugto at 11- puntos sa natitirang huling walong minuto ng laban bago umatake si Green at Curry upang iangat ang Warriors sa 26-1.

Samantala, nagwagi rin ang San Antonio Spurs kontra sa Los Angeles Clippers, 115-107.

Nagtala si LaMarcus Aldridge ng kabuuang 26-points at 13 rebound upang panatilin ang San Antonio na walang talo sa kanilang homecourt.

Inihulog ni Tony Parker ang 10 sa kanyang 21-puntos sa ikaapat na yugto para sa Spurs, na pinaganda ang kartada nito sa 15-0 sa home court ngayong season.

Mayroon namang 27-puntos si Chris Paul at 10 assist para sa Los Angeles.

Nagdagdag si Blake Griffin ng 25-puntos habang si DeAndre Jordan ay may 16-puntos at 17-rebound para sa Clippers.

(ANGIE OREDO)