dawn at  piolo

Ni JIMI ESCALA

PANGARAP ni Piolo Pascual na makasama sa pelikula ang hinahangaan niyang si Dawn Zulueta. Kaya tuwang tuwa si Papa P nang malaman na ito ang makakasama niya sa kanyang susunod na project sa Star Cinema.

Sisimulan na early next year ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Piolo at Dawn. Ayun sa nakausap naming Star Cinema executive, plantsadung-plantsado na ang nasabing project pero hindi muna sila magbibigay ng iba pang detalye sa media.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Instagram account ni Piolo, may post siya na magkasama sila ni Dawn at sinabi niyang dream project para sa kanya pagtatambal nila.

“And it’s a go. So excited and stoked to be working with Ms. Dawn Zulueta,” saad ni Papa P.

Nag-post at nagpahayag din ng kasiyahan si Dawn sa tambalan nila ni Piolo.

“I’m looking forward to a bright new year this coming 2016 working with this exciting & very talented (not to mention good looking) bunch movie under Star Cinema with Director Gino Santos and co-stars Piolo Pascual and Coleen Garcia,” ani Dawn.