Hindi na nakadalo ang isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) ng UST Paskuhan 2015 matapos makuha sa kanyang pangangalaga ang pinatuyong dahon ng marijuana habang papasok sa campus ground noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Miguel Viola, ng Katon 320, Royal Palm Residences, Acacia St., Barangay Ususan, Taguig City.

Ayon sa ulat, papasok na si Viola ng Gate 10 ng UST campus upang dumalo sa selebrasyon ng “Paskuhan 2015” nang madiskubre ng isang security guard ang mga dahon ng marijuana na nakalagay sa dalawang maliit na sachet nang inspeksiyunin ang kanyang bag dakong 8:30 noong Biyernes ng gabi.

Nakuha rin umano sa pangangalaga ng estudyante ang isang pipa at disposable lighter.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Agad na inilipat ng security guard si Viola sa Manila Police District-Sampaloc Station upang sumailalim sa imbestigasyon. - Argyll Cyrus B. Geducos