Ayra_Mariano_STARSTRUCK copy

MALALAMAN na bukas, live, 9:20 ng gabi, sa GMA-7, kung sino sa Final 4 ng Starstruck 2015 na sina Klea Pineda, Elyson de Dios, Ayra Mariano, at Migo Adecer ang tatanghaling Ultimate Male and Female Survivor.

Mahigpit ang labanan dahil pawang star materials ang natitirang finalists.

Sa Starstruck nadidiskubre ang karamihan sa young stars na sinusugalan ng GMA Network para maging lead stars sa kanilang mga programa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang tubong Caloocan, 5’8” tall at sixteen-year-old na si Klea ang isa sa mga pinaka-driven sa newest batch ng artista search. Prangkahan niyang sinasabi na gusto niyang manalo para maiahon na niya sa kahirapan ang kanilang pamilya.

“Matagal ko na pong pinapangarap, na humarap sa maraming tao at ipakita kung ano ang kaya ko. Saka may mission din po ako na prinomise kay Lord, na if ever manalo ako dito, tutulungan ko po ang family ko, hirap po sa buhay… ‘yun po ang ‘pinangako ko kay Lord,” aniya sa isang panayam.

Mahusay umarte si Klea na nangangarap ding sundan ang mga yapak ni Megan Young, host ng Starstruck ngayon, na naging artista muna bago naging beauty queen.

“Napatunayan ko na wala talagang imposible sa mundo, basta’t nand’yan ang pamilya at mga nagmamahal sa ‘yo, manalig lamang sa Diyos at maniwala nang lubus-lubos. Walang masamang mangarap ng mataas,” aniya.

Dalangin niyang sila ng ka-love team niyang si Migo Adecer ang manalo.

“Nakikita kong deserving si Migo po. Kasi po, bukod sa naging ka-partner ko na siya sa eksena, nakikita ko na talagang total package na po si Migo – marunong kumanta… kaya niya nga pong kumanta habang sumasayaw eh,” aniya.

Isinilang sa Bacolod pero lumaki sa Australia ang 16-anyos ding si Migo Adecer, may pamatay na ngiti, mahusay tumugtog ng gitara at kumanta.

May kahirapang magsalita ng Tagalog pero willing matuto.

“I’ve already said to myself na sure na sure, when we finish Starstruck, I’m gonna dedicate myself to learning Filipino. I’m gonna take a break, I’m gonna learn Tagalog. Give me three months,” sabi ni Migo.

Gagawin niya ang lahat para tuluyang makapasok sa showbiz.

“Talent and good looks are what you need to get into showbiz, but number one is attitude… God,” aniya pa.

Sixteen years old din si Elyson de Dios, Cebuano, na agad umaming gusto niya si Ayra Mariano simula nang magkasama sila sa acting challenge.

“Kasi sabi ng mga directors, may chemistry talaga. May future kami siguro, sana,” sabi ni Elyson.

Maraming followers ng Starstruck ang nagsasabi na may hawig kay Piolo Pascual si Elyson. Itinuturing niyang lamang niya kay Migo ang matatas niyang pagsasalita ng Tagalog.

“Marunong na ako magsalita ng Tagalog, unti. So, ii-improve ko rin po talaga ‘yung pagsasalita ko. And also ‘yong drive ko rin to win and improve.”

Pagiging basketball player ang unang pinangarap ni Elyson, hindi pag-aartista.

“Gusto ko po talaga. And gusto ng daddy ko, ng papa ko po, na maging basketball player po ako. Kasi dati gusto rin niya pero walang nagpo-provide sa kanya. So I want to continue his dreams po.

“First time ko dito sa Manila no’ng nag-audition ako. I’m so lucky po. Pero dati ayaw ko talaga, ‘yong sa talent po, wala po akong ipapakita.”

Nanghihinayang ang kanyang ina sa oportunidad, kaya hinimok siya nitong sumali. Ngayon, aminado si Elyson na napapamahal na sa kanya ang showbiz.

“I’m so blessed (na umabot siya sa Final 4), parang nadadagdagan na (ang kagustuhan ko) maging artista.”

Inspirasyon niya ang kanyang crush na si Ayra.

“Sobrang cute niya… Crush ko (siya dahil) sa attitude niya. Sobrang bait niya po. I’m blessed na na-meet ko siya,” tila nahihiyang sabi ng bagets.

Commercial model ang Bulaceñang si Ayra Mariano bago sumali sa Starstruck.

“Sobrang mahiyain ako noon at tahimik,” pag-amin ng dalaga. “Dito po sa Starstruck, nag-improve ‘yong personality ko. Naging confident ako. Sanay na ako makipag-interact sa ibang tao. Nagkaroon ako ng confidence.”

Nag-improve din ang skills niya sa dancing.

Ang mga yapak ni Marian Rivera na iniidolo niya ang gustong sundan ni Ayra.

“Kasi ano po parang may nakita akong similarity naming dalawa. Like galing din siya sa commercials, ‘yung TVC niya ng Skyflakes and then nag-artista na siya.”

Samantala, nasa China si Megan Young para sa Miss World coronation night kaya hindi siya makakatuwang ni Dingdong Dantes sa Starstruck: The Final Judgment bukas. Ang segment hosts na sina Kris Bernal at Mark Herras, Miguel Tanfelix, Mart Escudero, at Rocco Nacino ang makakasama ni Dingdong at magsisilbi namang hurado sina Jennylyn Mercado, Regine Velasquez, at Alden Richards. (DINDO M. BALARES)