Isang babaeng opisyal ng Philippine Army ang nasawi habang sugatan ang dalawa niyang kabaro matapos na matabunan ng lupa ang sinasakyan nilang Asian Utility Vehicle sa kasagsagan ng bagyong ‘Nona’ noong Lunes ng gabi sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon.

Ayon sa naantalang ulat ng Quezon Provincial Risk Reduction and Management Office, kinilala ang biktima na si 1Lt. Michelle Mae Dilos Delariearte habang ang sugatan ay sina 1Lt. Sarah Jane Bagasol, 24, at Cpl. Cheryl Esguerra Ramirez, 24 anyos.

Nakaligtas naman sa kapahamakan si Cpl. Renato Cayanan Villanueva, 32 anyos.

Ang mga biktima ay pawang nakatalaga sa First Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division na nakabase sa Infanta.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima sa Isuzu Crosswind na minamaneho ni Villanueva nang bilang gumuho ang lupa sa bahagi ng Barangay Tongohin, dakong 11:00 ng gabi nitong Lunes.

Nagtulung-tulong ang mga rescue unit na alisin ang mga biktima mula sa sasakyan. (Danny J. Estacio)