Disyembre 17, 1961 nang mamatay ang halos 323 katao at 600 naman ang sugatan sa nangyaring sunog sa Gran Circo Norte Americano, ang Brazilian counterpart ng Ringling Brothers, sa Niterio, Rio de Janeiro sa Brazil. Nagsimula ang sunog sa kasagsagan ng performance ng mga matinee, at ang waterproof canvas tent ay agad na natupok.
Ayon sa may-ari ng circus na si Danilo Estavanovich, “flames enveloped the tent in 30 seconds.” Naniniwala siya na ang sunog ay planado, dahil imposibleng kumalat ng ganoong kabilis ang apoy dahil lamang sa short circuit.
Aabot sa 2,500 katao ang dumalo sa nasabing event, at ang malaking tent na kulay puti at asul ay napuno ng mga dumalo. Si Estavanovich ang una sa mga nakakita ng pagsiklab ng apoy. Sinubukan ng mga tao na agad makaalis sa lugar.