Si Fil-Am Brandon “The Truth” Vera nang talunin nito ang Taiwanese na si Paul “Typhoon” Cheng sa loob lamang ng 26-segundo sa ginanap na bout noong Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City. (Jun Ryan Arañas)
Si Fil-Am Brandon “The Truth” Vera nang talunin nito ang Taiwanese na si Paul “Typhoon” Cheng sa loob lamang ng 26-segundo sa ginanap na bout noong Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City. (Jun Ryan Arañas)

Inanunsiyo ni One heavyweight title belt Brandon “The Truth” Vera, ilang oras matapos ang kanyang panalo kontra kay Taiwanese Paul “Typhoon” Cheng sa ginanap na laban sa MOA Arena, Pasay City noong Biyernes ng gabi na nagpaplano siyang magbukas ng Mixed Martial Arts (MMA) Alliance gym sa Pilipinas.

“Soon I will bring the Alliance training center here to the Philippines,” ani Vera.

Ang Alliance gym ay pagmamay-ari mismo ni Vera kung saan nakapag-produce ito ng mga fighter para sa Ultimate Fighting Championship (UFC), World Extreme Cagefighting (WEC), Strikeforce at Bellator.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Kabilang sa mga fighter na produkto ng Alliance ay sina Ryan Bader, Jan Blachowicz at Alexander Gustafsson.

“We have too much wasted talent here and on any island,” ang pahayag pa ng bagong kampeon. “Here in the Philippines, this is a whole other outlet, this is a whole other career path that somebody can choose.”

Sa ngayon, wala pa namang sinasabing eksaktong petsa si Vera kung kelan bubuksan ang Alliance gym dito sa bansa subalit malakas ang paniniwala nito na marami ang mabibigyan ng tsansa upang sumabak sa UFC.

“I think that we have such a plethora of talent in the Philippines, and untapped potential that we can probably produce many world champions here without even trying hard.” - CNN Philippines