NAKAKUHA ng Grade A ang pelikulang Toto (Whatever It Takes) sa Cinema Evaluation Board kaya ang saya-saya ng buong cast ng pelikula lalo na ang producer/writer/director na si John Paul Su.

Kahanga-hanga si Sid Lucero sa kakaibang papel na ginampanan niya sa Toto (Whatever It Takes) at big revelation na marunong pala siyang magpatawa at sumayaw, nasanay kasi kami sa kanya na magaling sa drama.

Hindi hard sell ang pagsayaw ni Sid ng Macarena na paboritong tugtog din ng tatay niya (ginagampanan ni Bembol Roco) na nangarap makarating ng Amerika pero hanggang sa namatay ay hindi nasilip ang bayan ni Uncle Sam.

Kinamulatan ni Sid ang American Dream na ito ng ama, na nais niyang siya ang magtuloy.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Hango ang kuwento ng pelikula sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ at isa ang pamilya ni Toto sa kanila.

At para makatulong sa ina (Bibet Orteza) at dalawang kapatid ay lumuwas sa siyudad si Sid para mamasukan bilang roomboy sa isang hotel.

Halos lahat ng paraan ay nagawa na ni Sid para makapunta ng Amerika, nariyang naghanap ng bagong pamilya at kung anu-ano pa pero laging denied ang visa.

Kaya kapag may nakakakilalang ingleserong guest sa hotel, agad niyang tinatanong kung tagasaan at kapag nalamang taga-Amerika ay tinatanong niya kung gusto siyang pakasalan.

Sumabit din si Toto sa pagbebenta ng pirated DVDs pero dahil hindi siya puwedeng magkaroon ng record ay iniligtas siya ng kaibigan niyang bading na si Thou Reyes na may lihim na gusto sa kanya.

Mas maganda kung panoorin na lang ito sa sinehan mula December 17–24 sa Robinsons Place Manila Midtown Cinema, Glorietta 4 at SM Megamall sa December 17 - 24 para sa MMFF New Wave 2015.

Bukod kina Bibet, Thour at Sid ay kasama rin sa cast sina Blake Boyd, Mara Lopez, Neil Ryan Sese,Liza Diño, Rafa Siguion-Reyna, Jelson Bay, Che Ramos, Marnie Lapus, Raul Montesa, Carlo Cruz, David Christopher, Lorenz Martinez at Sheila Valderrama mula sa direksyon ni John Paul Su.

Sa press screening ng Toto ay may kasamang babae si Sid, si Annicka Dolonious na indie actress at nakasama ng aktor sa isang pelikula. Natatawang sagot ni Sid nang kulitin ng press kung girlfriend na niya si Annicka.

“We’re always together, mga four or five months?” Sabay sabing, “Pinagpawisan akong bigla!”

Sa pelikulang pinagsamahan nila sila nagkakilala,

“We did Apocalypse, but I met her before na. She’s a friend of my sister and, in fact, I met her in her dad’s house because we have common friends. I had a conversation about movies and years later, we did a movie. And then, we just talked and talked and talked and then…” sabay ngiti.

Maraming naging girlfriend si Sid pero kay Annicka lang niya naramdamang, “Honestly, I don’t think I’ve ever met anyone who has the same philosophy that I do when it comes to my craft. Sometimes kasi when you want to do a scene with someone close to you or close to the real thing or sensitive, sometimes you have to talk about it or sometimes kakapain mo ‘yung tao.

“For some reason, with this one, we understood each other and we did the scene and I felt, ‘Wow, this is amazing.

And we became really good friends.

“I think it started when I asked her who her favorite actor is and she said, ‘Gary Oldman’. I freak out and because I like him,” natatawang kuwento ng aktor.

Si Annicka na ba ang huling babae sa buhay niya?

“I’m 32 na already and I have my daughter. You’re asking me this question? Of course, you don’t get into a relationship if you’re not looking too far,” katwiran ng aktor.

Kumusta na sila ni Alessandra de Rossi pagkatapos ng hiwalayan nila?

“We haven’t spoken to each other since then,” mabilis nitong sagot.

Nagsisi raw si Sid dahil nawala ang friendship nila ni Alex nang magkaroon sila ng relasyon.

“Oo naman. Well, hindi naman regret kung saan siya humantong. Pero, yeah, because we felt that we have to go through exactly what happened, to become better people, I think.

“But you know, it’s sad because all my life in show business, she’s been my friend. But I think, well to know that kind of love, it makes it worth it, I think,” say ni Sid. (Reggee Bonoan)