LIPA CITY, Batangas - Inaresto ng awtoridad ang isang magkapatid na lalaki matapos umanong ituro sila ng isang testigo na suspek sa pagpatay sa isang lalaki, na ang bangkay ay natagpuan sa ilog sa Lipa City.

Nasa kostudiya ng pulisya sina Ryan Manumbali, 26; at Ernie Manumbali, 23, habang pinaghahanap pa ang isa pa nilang kasamahan.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Oliver Morcilla, natagpuan ang bangkay ni Randy Titular, 25, sa ilog ng Barangay San Francisco sa lungsod nitong Disyembre 5 ng umaga.

Nai-report umano ng pamilya ng biktima ang pagkawala ni Titular nitong Disyembre 3, matapos umanong magtungo sa piyestahan ang biktima.

Probinsya

Mga nasawi sa MV Trisha Kerstin 3, nadagdagan pa ng 3; ‘survivor count,’ nasa 316 pa rin!

Batay sa salaysay ng testigo, nakipag-inuman si Titular sa piyestahan hanggang nakaalitan nito ang magkapatid.

(Lyka Manalo)