Habang maraming empleyado ang nagsisitanggap na ng kani-kanilang Christmas bonus at 13th month pay, pinaalalahanan ng mga leader ng Simbahan ang mga mananampalataya “to spend their hard-earned money wisely this holiday season” at iwasan ang “excessive spending”.

“Maging responsible tayo. Mahirap ang buhay ngayon, at dapat na gamitin natin nang buong maayos ang mga biyayang ibinigay sa atin ng Diyos,” sinabi ni Cubao Bishop Honest F. Ongtioco sa CBCP News post. “

Dapat na gastusin nang buong ingat ang Christmas bonus, at iwasang gumastos sa mga bagay na hindi kailangan,” anang pari, at pinaalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa mga commercial advertisements at holiday sales “that subtly reshape the people’s minds” sa labis na pamimili at paggastos sa mga hindi mahahalagang bagay.

Hinikayat naman ni Ongtioco ang mga nag-uumapaw ang materyal na biyaya “to share and help the needy”.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kung sobra-sobra ang ating natatanggap, marami dyan ang labis ang kakapusan at mga pangangailangan. Ibahagi natin ang ating blessings sa iba, o sa mga kapus-palad,” ani Ongtioco.

Nagpaalala rin si Balanga Bishop Ruperto C. Santos, chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng CBCP, ang mga overseas Filipino worker (OFW) na huwag nang “try hard to fill up their ‘balikbayan boxes’ beyond their means”.

Hinimok din ni Santos ang mga pamilya ng mga OFW na mag-impok at gastusin “responsibly” ang mga remittance ng kanilang mga mahal sa buhay. - Christina I. Hermoso