Pinasayad ng defending champion University of Perpetual Help ang mga paa ng San Sebastian College junior volleyball players sa lupa matapos pataubin ang huli 25-17, 25-14, 20-25, 25-16, kahapon sa NCAA Season 91 volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nagtala si Darwin John Salopaso ng 12 hits upang pamunuan ang unang panalo ng Junior Altas na nagpasadsad naman sa Staglets sa unang pagkakataon matapos magwagi sa unang dalawa nilang laro.

Nag-ambag naman ang mga kakamping sina Ryuji Conrad Etorma at Kirth Patrick Rosos ng tig-11 puntos.

“It’s not the start we wanted but we’ll take it,” ani Perpetual Help coach Sandy Rieta.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Target ng Junior Altas na tinalo ang Lyceum of the Philippines U Junior Pirates, 25-15, 25-23, 25-19, ang back to back titlle ngayong taon.

Ayon kay Rieta, target nila na magkaroon ng malakas na panimula.”Last year, we really struggled at the start of the season. Hopefully, we’ll have a better start this year.” (Marivic Awitan)