Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang isang auditor ng Commission on Audit (COA) dahil sa madalas na pagkahuli sa pagpasok sa opisina.

Sa isang pahayag na inilabas ni Deputy Ombudsman for the Visayas Paul Elmer Clemente, pinatawan ng isang buwan at isang araw na suspensyon si State Auditor III Llane Saratan ng COA Regional Office No. VI sa reklamong Simple Misconduct.

Sa imbestigasyon ng fact-fact finding body ng anti-graft agency, tinukoy nito na naitala ang tardiness/undertime ni Clemente noong Enero, Pebrero, Oktubre, Nobyembre at Disyembre 2011.

Sinabi ng Ombudsman na pinagbatayan nila ang daily time record (DTR) ni Clemente. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'