ALDUB copy

NAG-START na noong December 2 ang mga shows na magkasama sina Alden Richards at Rochelle Pangilinan sa iba’t ibang branches ng Casino Filipino. First stop nila ang Casino Filipino Angeles City sa Pampanga. 

Nakausap namin si Rochelle sa Christmas party ng PPL Entertainment for the press at biniro namin siya na malaki siguro ang talent fee ni Alden, dahil nga sikat na sikat ngayon ang Pambansang Bae.

“Hindi po, tinanggap namin ni Alden ang offer noong mayroon pa kaming Sunday All Stars, wala pa noon ang AlDub,” sagot ni Rochelle. “Kaya masasabing talo si Alden ngayon dito dahil naka-contract na kami at panalo ang Casino Filipino dahil tiyak na dadayuhin iyon.”

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Biniro na lamang namin si Rochelle na sana ay bigyan sila ng bonus.

Ang alam nga namin, marami pang gustong bumili ng ticket noong Tuesday, pero wala na silang nabili dahil sold out na bago pa nag-December 2.

Samantala, talo naman ang producer ng awards night kung kasama sa mga nominado nila sina Alden Richards at Maine Mendoza kung ang carrying station sa pagri-replay ng awards night ay ang ABS-CBN. 

Hindi kasi nila makukuha at magagamit ang commercials ng AlDub dahil bawal ipalabas ang commercials nila sa said network. Sayang naman dahil ilang endorsements na ang nagawa nila na may TVC, at tiyak na ibibigay sa kanila iyon ng agency lalo na kung a-attend sina Alden at Maine.   

Mapapanood ba naman sila sa Channel 2 kapag nag-attend sila? (NORA CALDERON)