TANAUAN CITY — Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos silang pagbabarilin sa Tanauan City, Batangas noong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na si Paul Wayne Andaya, ng Barangay Ulango ng lungsod habang nakaligtas si Jaypee Panganiban, 31.

Sa report ng grupo ni PO3 Rommel Sandoval, dakong 2:00 ng umaga, pauwi ang mga biktima mula sa paglalamay sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin sila ng mga suspek sa Barangay Pantay Matanda.

Nahulog sa motorsiklo si Andaya gayunman nagawang paandarin ni Panganiban ang sasakyan hanggang makarating sa kanilang bahay kaya naisugod siya ng tiyuhin sa pagamutan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natagpuan ng isang tricycle driver na nakahandusay sa kalsada si Andaya at dinala sa ospital subalit dead on arrival na ito.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pinaghahanap ang mga suspek. (Lyka Manalo)