UAAP_Final_01_Dungo,jr_120215 copy

Tamaraws, pinaluhod ang Tigers sa Finals.

Matapos ang makapigil hiningang labanan ng pinakamahigpit na magkaribal na University of Santo Tomas (UST) at Far Eastern University sa Game 3 ng UAAP Season 78 men’s basketball Finals sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay, City kahapon ng hapon ay wala na ngang duda na ang Tamaraws ang nakasungkit sa Finals, 67-62.

Bakbakan ang naging labanan sa naganap na do-or-die deciding Game 3.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa first quarter, nakaungos ang Growling Tigers sa iskor na 19 kontra Tamaraws na may iskor na 18.

Sa second quarter ay lubhang nakakakaba sa pagitan ng dalawang koponan dahil sa kapwa ito nagtala ng iskor na 30-all.

Malaki ang posibilidad na masungkit ni Marc Belo ang Finals MVP. Sa pagharap nito sa panibagong double-double kahapon, siya ang nakaungos bilang most reliable player ng Tamaraws.

Si Kevin Ferrer ay nagtala ng 4-puntos sa 1/8 shooting sa first half ng Game 2. Tatlong puntos sa 1/3 shooting sa first half sa laro ng Game 3 kahapon. Si Ferrer ay mayroon ng 1 sa 3. Siya ang unang nagtala ng three-pointer para sa UST samantalang sina Pogoy at Belo sa Tamaraws.

Ang UST ay nakapagshoot ng halos 41.4 % mula sa field habang ang FEU ay mayroong 25.7%.

Si Karim Abdul ng UST ay nagtala ng 11-puntos sa 3rd round samantalang si Mac Belo ng FEU ay nagtala ng 11-puntos.

Star-studded ang MOA kahapon kung saan namataan si Marc Pingris sa grupo ng kinauupuan ng mga FEU fanatic samantalang si Alvin Patrimonio naman ay nasa koponan ng UST.

Sa third quarter, nakaungos ang FEU sa iskor na 51 habang ang UST naman ay 46 matapos na makadagdag si Marvin Lee ng 3-puntos.

Sa fourth at final quarter, bakbakan pa rin ang naging labanan ng dalawang magaling na koponan kung saan kapwa nagpakitang gilas ang mga ito. Gayunman, sa huli nanaig pa rin ang Tamaraws sa iskor na 67 kontra UST sa iskor na 62.

Magugunitang, dinomina ng Tamaraws ang boards at nagtala ito ng biggest shots sa pagsisimula ng series opener, 75-64 sa Game 2 kontra Tigers. Gayunman, muling lumapa ang Tigers sa sumunod na laro, 62-65, at malaking bagay ang mga three-point shoots ni Kevin Ferrer sa third quarter.