SMB vs Ginebra_04_SARMIENTO_111615 copy

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:15 pm Globalport vs.NLEX

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

7 pm Mahindra vs.San Miguel Beer

Makapagsolo muli sa liderato at magpatatag sa kanilang tsansa na makamit ang isa sa outright semifinals berth, ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer sa pagsagupa nila ng Mahindra sa pagpapatuloy ng 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nasa 3-way tie sa ngayon ang Beermen kasalo ng Alaska Aces at Rain or Shine Elasto Painters sa ibabaw ng team standings taglay ang magkakaparehas na barahang 6-1, panalo- talo.

Nagsosolo naman sa ikaanim na puwesto ang Mahindra hawak ang barahang 2-5, panalo- talo.

Magtatangka ang Beermen na mahatak hanggang limang laro ang kanilang winning streak habang sisikapin naman ng Enforcers na maitala ang unang back- to- back win kasunod ng 86-83 panalo nila sa Meralco.

Ngunit malaking balakid sa kanila ang reigning back- to- back MVP na si Junemar Fajardo.

Batay sa format, ang dalawang mangungunang koponan pagkatapos ng eliminations ay papasok ng diretso sa semis habang ang susunod na walo ay susuong sa 2- phase quarterfinals at ang huling dalawa ay maagang magbabakasyon.

Samantala sa unang laban, maghihiwalay ng landas ang Globalport at NLEX na kasalukuyang magkasalo sa ikaapat na posisyon ang dalawang koponan hawak ang parehas na kartadang 4-3, panalo- talo.

Manggagaling ang Batang Pier sa 120-115 na paggapi sa Blackwater habang magsisikap namang bumawi ng Road Warriors sa natamong 81-89 kabiguan sa Alaska Aces sa nakaraan nilang laban. (MARIVIC AWITAN)