kobe copy copy

Kobre Bryant, magreretiro na.

Inanunsiyo ni Los Angeles Lakers icon Kobe Bryant ang kanyang pagreretiro sa pagtatapos ng 2015-16 season sa pamamagitan ng kanyang isinulat na tula na inilathala sa The Players’ Tribune noong Linggo ng hapon.

Sa isang tula na mismong si Kobe ang may gawa na pinamagatang “Dear Basketball” ay inilahad niya ang kanyang planong pagpapahinga ng tuluyan sa paglalaro ng basketball.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

Sa kaniyang tula, ipinahayag ni Bryant na bagaman gusto pa ng kaniyang puso, at kaya pa ng kaniyang isip, ang katawan umano niya ang nagsasabing kailangan na niyang mamaalam sa NBA.

Si Bryant ay 37 years old na at kasalukuyang player ng Los Angeles Lakers.

“I fell in love with you. A love so deep I gave you my all From my mind & body, To my spirit & soul,” isang bahagi ng tulang “Dear Basketball,” isinulat ni Bryant, “This season is all I have left to give. My heart can take the pounding. My mind can handle the grind but my body knows it’s time to say goodbye. And that’s OK. I’m ready to let you go.”

Sa statement ni NBA commissioner Adam Silver, si Kobe na nakamit ang 17 NBA All-Star selections, isang NBA MVP, limang NBA championship sa Lakers, dalawang Olympic gold medals at ang walang katapusang work ethic, si Kobe ay isa sa mga pinakadakilang manlalaro sa larangan ng ating torneo.

“Whether competing in the Finals or hoisting jump shots after midnight in an empty gym, Kobe has an unconditional love for the game. I join Kobe’s millions of fans around the world in congratulating him on an outstanding NBA career and thank him for so many thrilling memories.”

Si Kobe ay nakapasok sa NBA direkta mula sa high school. Siya ay drafted sa high school ng Charlotte Hornets na mayroong 13th overall pick noong 1996 subalit ipinagpalit ito sa Lakers. Naglaro ito sa Lakers sa buong karera kung saan nakamit niya ang limang NBA championships.

Si Bryant ay maituturing na 17-beses na All-Star, 15-time member ng All-NBA Team, at 12-time member ng All-Defensive team. Nanguna siya sa liga ng dalawang beses, at pangatlo sa kapwa all-time regular season scoring at all-time postseason scoring lists. Siya lang ang nag-iisang manlalaro na nakasama sa loob ng 20 consecutive seasons sa isang koponan. (Angie Oredo/PNA)