ANG MBDA o Metro Bataan Development Authority ay tulad lang ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Pattern ito sa naturang ahensiya ng gobyerno na ang function ay sari-sari. Tungkol sa pagpapaluwag ng trapiko, pagmamasid sa mga imprastruktura sa iba’t ibang panig ng Metro Manila, at maging sa pakikisangkot sa iba’t ibang problema sa Kalakhang Manila.

Hindi pa gaanong natatagalang naitatag ng provincial government ng Bataan ang Metro Bataan Development Authority.

Bunga ito ng pag-aaral ni Gov. Albert Garcia at ng Sanggunian Panlalawigan, na ang layunin ay makatulong sa pagsasaayos ng mga bagay na nangangailangan ng pagsubaybay.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang kasalukuyang chairman ng MBDA ay si dating Pilar Mayor Charlie Pizarro.

Bilang dating Mayor na nanungkulan ng mahabang panahon, sagana sa karanasan si Pizarro. Buhat sa kulelat na antas ng mga bayan sa Bataan ay pangalawa na ngayon ang Pilar sa pag-unlad, peace in order, at imprastruktura, at dahil sa mga katangiang iyan ay siya ang napili ni Gov. Garcia na italaga bilang chairman ng MBDA.

Buhat nang maging functional ang MBDA ay malaki na ang naitutulong nito sa probinsiya sa pagsasaayos ng mga bagay na dating hindi napapansin. Mulang Dinalupihan hanggang Mariveles, at mulang Hermosa hanggang Morong at Bagac ay pinipilit na mapangalagaan ng naturang bagong tatag na ahensiya. Pinagtuunan nito ng pansin ang problema sa ilegal na droga, at sa tulong ng awtoridad ay nabawasan ito. Maraming nadakip na mga pusher at user, partikular sa bayan ng Abucay. Sa pamamagitan ng ugnayan ng MBDA at pulisya ay natutunton nila ang mga lihim na operasyon ng mga pusher, taga-Bataan man o taga-ibang lugar. Naging maayos din ang pagsasagawa ng mga proyekto sapagkat tumutulong ang MBDA sa pagsubaybay sa paggawa nito.

Nitong Pista ng mga Patay ay pingbuti rin ng MBDA ang pangangasiwa sa trapiko. Naglagay sila sa kahabaan ng lansangan, partikular na sa Roman Superhighway, ng mga pansamatalang himpilan para tumulong sa mga nasisiraan at gumabay sa mga naliligaw ng pupuntahan.

Ang MBDA ay isang hakbang sa mabuting pamamahala, na hango sa MMDA, at siguro ay dapat ding tularan ng iba pang mga lalawigan.

BIRONG PINOY

AMBO: Ma’am, hindi ho ba artista kayo? Bakit ho kayo kakandidatong senador.

AKTRES; Gusto ko, eh. Masama ba?

AMBO: Eh, ano ho ba ang gagawin n’yo sa Senado?

AKTRES: Wala.

AMBO: Anu-ano ho ang plano ninyong iharap na panukalang batas?

AKTRES: Wala.

AMBO: Eh, bakit ho gusto n’yong maging senador?

AKTRES: Gusto ko lang matawag na HONORABLE. (ROD SALANDANAN)