Nakumpleto ng Ateneo de Manila ang upset kontra second-ranked De La Salle, 62-50, para makausad sa Finals sa unang pagkakataon makalipas ang walong taon sa UAAP Season 78 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Hazelle Yam ang Lady Eagles sa itinala nitong 24-12 run sa final quarter, kung saan itinala nya ang siyam sa kanyang game-high 15 puntos sa naturang period.

Nagdagdag naman si Jolina Go ng 13-puntos, 11-puntos si Danica Jose bukod pa sa 11 rebound.

Makakasagupa ng Ateneo ang defending champion National University (NU) sa championship round na magsisimula sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ang panalo ang ikalimang sunod ng Lady Eagles sa isang do or die match.

“Ever since we have our backs against the wall, sabi lang namin, we have to play with compassion,” ani Ateneo coach Erika Dy. (Marivic Awitan)