Nasunog ang dalawang gusali sa loob ng Manila Zoo sa Malate, Manila nitong Martes ng gabi bunsod ng depektibong electrical stove.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department, dakong 9:51 ng gabi nang magsimula ang apoy sa sirang electrical stove na ginagamit ng mga trabahador. Tinupok nito ang ticketing booth at canteen malapit sa entrance ng zoo. Tumagal ito ng halos kalahating oras bago tuluyang maapula dakong 10:15 ng gabi.

Walang iniulat na nasaktan sa sunog at ligtas din ang mga hayop.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P100,000 ang halaga sa mga nasirang ari-arian. (Mary Ann Santiago)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter