Isang ginang ang inabutan ng panganganak sa gilid ng isang bus terminal sa Parañaque City dahil sarado pa ang ilang kalsada sa Metro Manila noong Biyernes.

Ligtas na nailuwal ni Aileen Botokain, tubong Tanza, Cavite sa bangketa ng Coastal Mall Metro Bus Station ang kanyang ang babaeng sanggol sa tulong ng isang vendor sa terminal na sinasabing nagtrabaho bilang midwife.

Matapos manganak ay dinala sa Ospital ng Maynila si Aileen at ang kanyang anak na plano niyang pangalanang “Coastaline”.

Kasama ni Aileen ang kanyang mister na si Enrique patungo sa nasabing ospital para sa checkup subalit labis na naantala ang kanilang biyahe dulot ng re-routing scheme para sa mga uuwing delegado ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. (Bella Gamotea)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter