CAPAS, Tarlac - Dalawang matinik na drug pusher, na sinasabing kumikilos sa ilang lugar ng bayang ito, ang nalambat ng pulisya sa buy-bust operation sa Barangay Cristo Rey sa Capas, Tarlac.

Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) sina Sammy Diaz, 24, binata; at Alvin Quilantic, 26, may asawa, kapwa ng Bgy. Cristo Rey, Capas.

Sa report ni PO3 Saturnino Abes, nasamsam mula sa dalawang suspek ang tatlong transparent plastic sachet na may hindi pa tiyak na halaga ng shabu, at P500 marked money. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog