WASHINGTON (AFP) — Sinabi ng hacker group na Anonymous noong Martes na naisara nila ang 5,500 Twitter account na iniugnay sa grupong Islamic State, na umako sa mga pag-atake sa Paris.

Nag-tweet ang mga hacker isang araw matapos ilunsad ang #OpParis campaign, ang pinaigting na pagsisikap na isara ang social media accounts ng organisasyon.

“We report that more than 5500 Twitter account of #ISIS are now #down! #OpParis #Anonymous #ExpectUs,” saad sa tweet na ipinaskil noong Martes kasunod ng video message na ipinaskil noong Lunes.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo