Erap, Mexican Pres copy

ABALANG-ABALA na si Kris Aquino sa pag-eestima ng mga pamilya ng APEC leaders.

We learned na hindi lang pala ang first spouses ng delegates sa APEC Leaders Summit ang inaasikaso ni Kris.

Katunayan, pinasampulan niya ng husay ng Pinoy entertainers pati ang two daughters ng Mexican president.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pinakiusapan niya sina Darren Espanto at Juan Karlos Labajo to serenade the two daughters.

Kahapon, agad naging viral ang magandang photo si Kris sa Luneta habang naghihintay sa kanyang iwi-welcome na si Mexican President Enrique Nieto.

Kalaunan, nag-post din siya ng photos pagdating sa Luneta ni President Nieto, kaya nalamang kasama pala niya si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa pagsalubong sa pangulo ng Mexico.

Bukas, ipapasyal ng Aquino sisters sa Intramuros ang first spouses ng APEC leaders. (May kaugnay na ulat sa pahina 4. --Editor) Bukas din ang kanilang luncheon.

Samantala, nalaman namin sa isang Instagram post ni Kris na kasali na rin sa cast ng All You Need is Pag-ibig si Pokwang.

Nag-pictorial sina Kris at Bimby para sa nabanggit na pelikula at nabanggit ng Queen of All Media na makakasama rin nila ni Pokwang.

Balita pa ni Kris, magsu-shooting na si Bimby kasama sina Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, ang dalawang apong babae ni Ms. Charo Santos-Concio at si Pokwang nga. Nauna nang nag-shooting si Kris ng All You Need is Pag-ibig sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.

Sa pagpasok ni Pokwang sa cast ng MMFF 2015 entry ng Star Cinema, hindi maiiwasang isipin na isinama siya sa movie nina Kris at Derek Ramsay bilang pantapat kay Ai Ai delas Alas. Sina Ai-Ai at Vic Sotto naman ang lead stars ng My Bebe Love na isa pa rin sa entry sa filmfest. (NITZ MIRALLES)