Nagtalaga si Pangulong Benigno S. Aquino III ng apat na Associate Justices ng Court of Appeals (CA).

Ito ang nakapaloob sa magkakahiwalay na transmittal letters na ipinadala kay Chief Justice Maria Lourdes P. Aranal Sereno ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr.

Itinalaga ni Pangulong Aquino sina Marikina City Regional Trial Court (RTC) Judge Geraldine Fiel-Macaraig, Makati City RTC Judge Perpetua Atal-Pano, Manila RTC Judge Ruben Reynaldo Roxas at Atty. Gabriel Robeniol bilang mga CA Associate Justices.

Ang mga bagong Justice ay itatalaga sa CA Mindanao, partikular sa Cagayan de Oro City. (PNA)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho