ROSARIO, Batangas - Patay ang isang 56-anyos na lalaki habang sugatan naman ang dalawang ginang na tinamaan ng ligaw na bala matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek ang nasawi sa Rosario, Batangas.

Dead on the spot si Pacifico Reyes, taga-Barangay Malaya sa naturang bayan.

Nilalapatan pa ng lunas sa magkahiwalay na ospital sina Aguinalda Medrano, 45; at Linda Macaraig, 68 anyos.

Ayon sa report ni PO3 Grizzly Awat, dakong 10:30 ng umaga nitong Nobyembre 13, naglalakad si Reyes sa palengke ng Rosario nang sundan at pagbabarilin siya ng suspek sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tinamaan naman ng ligaw na bala sina Medrano at Macaraig habang bumibili ng gulay malapit sa lugar. (Lyka Manalo)