Australian Open Tennis

TINANGGAP agad ni Winwyn Marquez ang offer sa kanyang bagong primetime drama series na Little Nanay kahit magkakasama sila ng nali-link sa kanyang si Mark Herras. Matagal nang pinag-uusapan na nagkakamabutihan na sila, na nagsimula sa Sunday variety show na Party Pilipinas noon. 

Paano ngayon na magkakasama na sila lagi sa taping, matapos na patigilin na niya ng panliligaw si Mark?

“Wala po namang akong apprehension kahit magkasama kami ni Mark dahil gusto ko rin naman siyang makatrabaho sa isa namang seryosong project,” sabi ni Winwyn. “Friends naman kami kaya hindi ko rin matanggap noon na nanliligaw siya, parang sayang ang friendship namin. Kaya pinatigil ko siya ng panliligaw sa akin. Inunahan ko na siya na hindi pa ako ready, ayaw ko muna ng commitment.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inirespeto naman daw ni Mark ang desisyon niya, pero lately, patuloy pa rin ito, kaya hindi na niya alam kung ano ang kailangang ipaliwanag.

Ayaw ba niya kay Mark dahil may anak na ito?

“Hindi naman po problema kung ang nanliligaw sa akin ay may anak na. Kilala ko na rin po naman si Mark dahil matagal na rin kaming nagkasama sa noontime shows noon ng GMA-7, hindi pa po lamang ako talaga ready at wala pa akong balak makipag-boyfriend, bata pa naman ako.”

As usual, kontrabida si Winwyn as Beatrice sa Little Nanay na pipigilan niyang maging close ang boyfriend niyang si Archie (Hiro Peralta) kay Tinay (Kris Bernal). Napapanood na sa GMA-7 ang Little Nanay pagkatapos ng Marimar, mula sa direksyon ni Ricky Davao. (NORA CALDERON)