Napilitang maglakad ang maraming pasahero mula sa Cavite at Las Piñas ng halos 10 kilometro patungo sa kanilang trabaho sa mga lungsod ng Manila at Makati dahil sa mga isinarang kalsada para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ngayong linggo.

Dahil sarado ang Roxas Boulevard, naglakad ang mga iritableng pasahero mula Coastal Road papuntang LRT-Taft at EDSA matapos ang matinding trapik ng mga pampasaherong jeepney, bus at iba pang sasakyan na natengga sa Talaba, Bacoor sa Cavite pa lamang.

Ilan ang nagpasyang huwag nang tumuloy at lumiban na lang sa kani-kanilang trabaho dahil sa haba ng lakaran.

Sentimyento ng maraming pasahero, hindi isinama ang kapakanan ng mga manggagawa sa plano ng APEC Summit lalo na’t wala man lamang nakahandang shuttle services.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nagpasya naman kahapon ang mga lokal na pamahalaan ng Pasay, Makati at Taguig na suspendihin ang klase sa lahat ng antas.

Batay sa abiso ng Pasay government, sarado ang Roxas Boulevard simula 12:01 ng madaling araw ng Nobyembre 16 hanggang 20 at tanging ang mga sasakyang aprubado ng APEC ang papayagang makadaan sa naturang kalsada.

(BELLA GAMOTEA)