Nobyembre 17, 2003 nang manumpa sa tungkulin ang aktor-pulitikong si Arnold Schwarzenegger bilang ika-38 Gobernador ng California.

Agosto 6, 2003 nang ihayag ng dating “Mr. Olympia” ang kanyang kandidatura sa episode ng “The Tonight Show” ni Jay Leno. Sa isang espesyal na recall election noong Oktubre 7 ng taong iyon, tinalo ni Schwarzenegger si Democrat Governor Gray Davis.

Sa kanyang termino, pinuntirya ni Schwarzenegger na bawasan ang mga hindi kinakailangang paggastos ng lokal na pamahalaan ng California. Noong 2005, ang apat niyang panukala, ang paglikha ng isang espesyal na halalan, pagtatakda ng limitasyon sa paggastos ng estado, paghihiwa-hiwalay ng mga distrito sa paghahalal, at pagdadagdag ng panahon sa pagreregular sa mga guro, ay pawang nabigo.

Sa mga unang panahon ng kanyang buhay, hinangad ni Schwarzenegger na maging pinakamahusay na bodybuilder sa mundo, kaya sumali siya sa “Mr. Olympia” noong 1970. Nasungkit niya ang titulo sa edad na 23, kaya naman siya ang naging pinakabatang kalahok na nanalo sa nasabing kompetisyon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Naglingkod siya bilang Gobernador ng California hanggang noong Enero 3, 2011.